![]() |
| "The Boquet" Mike Worall , 2006 |
Paksa siya ng mga usapin: si Bertang kulot, ang bayaran ng bayan. Parang lipon ng damo na pasulpot-sulpot sa kalawakan ng sementadong kalye: uusbong mula sa maliliit na biyak at lalago, matatapakan ng tao, maiihian ng aso, madadaganan ng gulong ng naghihikahos na pedicab (o di kaya'y isang trak) -- at kalauna'y matutuyo, minsa'y mamumulaklak.
Makikita si Berta sa pinaka masikip na mga eskinita sa Maynila. Umaaligid sa anino ng dating gusali ng Jai-Alai, pinapagapang ang kanyang mumunting imbitasyon -- mga ungol na rumaragasa sa bawat alulod at estero, halika,
Halikan ang palitan at suklian. Haplos sa ulo, sa pisngi, sa leeg -- dadausdos sa likod -- hanggang manganib na dumulas ang katagang, mahal kita, sa pag-asang manahan sa yungib ng tainga ng ginoo. Ang ginoong walang malay. Itataga ni Berta sa mga mata nito ang presyo ng lahat ng kanyang serbisyo: tignan mo 'ko, titigan mo 'ko. Kukunin ng ginoo ang kanyang pitaka, isa, dalawa, dalawampu't lima, iaabot kay berta at ngingising maglalakad paalis.

No comments:
Post a Comment
-