Sunday, July 22, 2012

Para sa Postura

Uneven musculature on 
one side of the spine
Inilagay ko sa sako ang mga  tasa,  kutsara,  
pinggan at mangkok  
para sa picnic sa itaas ng burol
Kung saan inihanda mo ang paborito kong  bulalo,
kumikinang na sabaw sa  tirik ng araw

Rib prominence and/or a 
prominent shoulder blade
Hinagkan mo ko pagkakita mo sa'kin
Malamig dito sa  tuktok, 
amoy ang inihanda mong sabaw.
Binulatlat ko ang sako at itinihaya:
Nabasag ang mga  babasagin, kumalansing ang mga
kubyertos

nilamon ng lupa.


No comments:

Post a Comment

-